Home » Post Item » World War II - Avenida Manila

World War II - Avenida Manila

August 28, 2008

Sa mga history books na tinuturo sa atin sa eskwela, parang wala na lang nga ang sakit na dinulot ng World War II sa atin dito sa Pinas. Ang natatandaan ko nga lang ay yung famous “I shall return” ni MacArthur sa Leyte. Ni hindi ko din mapicture out kung ano nga kayang itsura ng isang city na pinulbos ng bomba kapag may giyera.

Click to Enlarge
(Avenida cor. Doroteo Jose - WW2 Destruction)

Ni hindi nga tumatak sa isip ko na miski dito pala sa kinalakihan kong lugar, sa Manila, masyado na palang maraming bangungot ang dinanas ng lugar na ito. Kung baga sa isang babae, maihahalintulad ang Avenida sa isang babaeng ilang beses ng “nagahasa”, tumayo, at ngayo’y muling humihingi ng saklolo. Siguro nga, wala lang talaga tayong paki-alam sa mga nangyayari sa paligid natin.

Click to Enlarge
(Avenida Before World War II)

Makikita mula sa itaas ang picture ng Avenida noong panahon ng mga Kano. Makikita ang mga lumang sasakyan, sa riles ng Tranvia ng Avenida. Ang mga trams ng Meralco na kulay orange na sya ding kulay ng Meralco ngayon. Makikita din ang Ideal theater na dinemolished na ngayon, at ang State theater na ngayon ay ginawa ng Tianngge.

Click to Enlarge
(Avenida After World War II)

Kung gano kabilis ng pagunlad ng Avenida sa panahon ng mga Kano, ganun din ito kadaling bumagsak sa mga Hapon. Ilan sa mga modern style buildings dito, pinasabog. Lahat na ata ng makita nilang pwedeng pasabugin, pinasabog na nila. Sa itsura palang ng picture na yan, nakakatakot na.

Click to Enlarge
(Avenue Theater in Avenida - Photo After WW2)

Makikita sa picture mula sa itaas ang building ng Avenue Theater na sya na lamang natira pagkatapos pulbusin ng giyera. Ang Avenue theater ang isa sa mga pinagdausan ng mga secret theater performances noong panahon ng hapon. Ang building na ito ay nakaligtas sa lupit ng WW2 pero hindi sa mga buldozer na summira dito noon lamang 2006.

Click to Enlarge
(Doroteo Jose cor. Avenida - WW2)

Sa Doroteo Jose naman, halos nagmistulang ghost town ang lugar. Mula sa dulo ng picture makikita ang intersection ng Avenida at CM. Recto Avenue, ang building na iyon ay nakatayo pa din hanggang sa ngayon. Sa dilim at dumi ng lugar na ito ngayon, hindi mo aakalaing may mas malaking bangungot pa palang dinanas ang lugar na ito noon.

Click to Enlarge
(Avenida - Blumentritt Intersection - WW2)

Hanggang sa kalye ng Blumentritt, umabot ang pinsala ng giyera, sa larawang ito sa itaas makikita ang crossing ng riles ng tren at ng Avenida. Ilan sa mga bahay dito ay nasunog.

Click to Enlarge
(Another Photo of Avenida and Sta Cruz District After World War II)

Isa ang Manila sa mga cities sa buong mundo na pinaka-nasalanta noong WW2. Iniisip ko kung walang WW2, nasan na kaya tayo? Siguro mas maunlad pa tayo sa Singapore, o sa Hongkong. Akala ko nga sa Intramuros lang ang “history” ng Pilipinas, pero kahit pala sa ilalim ng anino ng LRT sa Avenida, may nagtatago ding mas madilim na nakaraan ang lugar.

Click to Enlarge Click to Enlarge
(Avenida After the War)

Pagkatapos ng giyera, karamihan sa mga buildings dito ay tinayuan ng mga bagong mga gusali. Ang mga mgangilan-ngilang gusaling hindi masyadong nasalanta, nirenovate nalang. Ngunit, hindi napigil ang mabilis na pagunlad ng Avenida pagkatapos ng giyera. Naging maunlad muli ang ito noong 60s at 70s, hanggang sa dumating na nga ang sumonod nitong bangungot noong 1980s, ang construction ng LRT…

Posted by manilahub at 3:16 pm | permalink

Previous Comments

salamat sa mga information mo tama ka very limitd ang kaalaman natin tungkol sa history natin,kaya satulad mo nakaktulong ka istorya na hindi natin napapkinggan o nalalaman sa school ,patuloy mo layunin mo salamat uli

Posted by arturo at October 1, 2008, 12:14 pm

may hapon dito sa lugar

Posted by jojo at October 28, 2008, 8:39 am

uhm..sana mkagawa ka pa ng mdameng ganito nang sa ganun ay maalarma ang mga taong gumagawa pa ren ng hindi mganda. thanks den sa infos, as a student like me, mdame pa kong di nlalaman pero i really want to know some history here in our contry. :)

Posted by mariel at December 2, 2008, 7:30 pm

lol

lol

lol

lol

lol

lol

Posted by aldrin at February 4, 2010, 11:50 am

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment